Naniniwala ang isang grupong sumusuporta kay Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na magbabago pa ang ihip ng hangin at mapagdedesisyonan nitong tumakbo sa pagkapangulo sa 2022.

Ayon sa grupong Ituloy ang Pagbabago Movement (IPM), malayo pa ang filing ng certificate of candidacy kaya’t marami pang pwedeng mangyari, kasama na dito ang pagbabago sa desisyon ni Mayor Sara na huwag nang tumakbo sa 2022.

“I always believe in God’s will! What is important is that she has the desire to serve the people and everything will follow,” pahayag ni Davao Occidental governor at IPM convenor Claude Bautista.

“I will always believe in her and I will always be her avid fan no matter what, now and forever,” dagdag pa nito.

Noong Huwebes ay sinabi ni Mayor Sara na ‘di na siya tatakbo sa pagkapangulo dahil tinanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nominasyon ng PDP-Laban na maging vice presidential candidate.

Napagkasunduan umano nila na isa lamang sa kanilang pamilya ang tatakbo sa national position.

The post Tagasuporta tiwalang tatakbo si Mayor Sara first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/tagasuporta-tiwalang-tatakbo-si-mayor-sara/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=tagasuporta-tiwalang-tatakbo-si-mayor-sara)