“Naghahanda ba talaga ang bansa para sa face-to-face class?”

Ito ang tanong ni ACT Teachers Rep. France Castro matapos sabihing hindi nararapat ang P5 million budget cut sa Department of Education (DepEd).

“Sana hindi kinaltasan ‘yun kasi panahon ng pandemic, we need more classrooms ‘di ba?” aniya sa panayam sa “Balitang Sapolitika” ng Politiko.

“Andito ‘yung paggawa ng mga mga rooms, repair, mga laboratory, etc. na kailangan,” dagdag niya.

Paliwanag pa niya, kung ire-require ang social distancing ay mangangailangan ng mas maraming classroom at guro.

Sabi pa ni Castro, ang dapat gawin ng gobyerno ay maglaan ng sapat na budget para sa mga pasilidad.

Pinuri naman ni Castro ang pagha-hire ng 10,000 bagong guro.

“Pero kahit na marami namang teachers eh kung wala namang facilities, so sana it goes together, ‘yung pagdami ng facilities, pagdami rin ng teachers,” aniya.

The post Tapyas budget sa edukasyon pinalagan first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/tapyas-budget-sa-edukasyon-pinalagan/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=tapyas-budget-sa-edukasyon-pinalagan)