May paglabag umano sa Konstitusyon at batas ang ginawang pagbawas ng Department of Budget and Management (DBM) sa budget ng Office of the Ombudsman para sa susunod na taon.

Sa deliberasyon ng House Committee on Appropriations, sinabi ni Deputy Speaker at Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez na mula sa P4.621 bilyong budget ngayong taon ay ibinaba ng DBM sa P3.967 bilyon ang budget ng Ombudsman sa 2022.

“In compliance with the Constitution and the Ombudsman Act, I appeal that we restore the amount of funds taken away by the DBM from our corruption watchdog to make it combat-ready,” sabi ni Rodriguez.

Pinuna rin ni Rodriguez ang pagbawas ng P800 milyon sa pondo na pampasweldo at pagkuha ng mga dagdag na tauhan ng Ombudsman

“The OMB is tasked to ensure that public servants, from the highest official of the land to the lowly clerk, observe the highest standards of responsibility, honesty, integrity, and loyalty. We should give them the funds to carry out that mandate,” sabi pa ng solon.

Hiniling din ni Rodriguez na pagbigyan ng Kamara ang hiling ng Ombudsman na payagan ang ahensya gamitin ang kikitain at matitipid nitong pondo.

Sinabi naman ni Ombudsman Samuel Martires na pagkakasyahin nila kung anumang pondo ang mailalaan sa kanila.

The post Tapyas budget sa Ombudsman iligal—solon first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/tapyas-budget-sa-ombudsman-iligal-solon/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=tapyas-budget-sa-ombudsman-iligal-solon)