Nag-aalala ang National Task Force Against COVID-19 dahil sa pagkakasakit ng maraming health worker na umaalalay at nag-aalaga sa mga pasyenteng may COVID-19.

Sinabi ni NTF Vice Chairman Vince Dizon na malaking hamon ngayon sa bansa ang nagkukulang na health workers sa mga pribado at pampublikong ospital dahil nahawa na ng COVID-19 ang mga ito.

May ilang pribadong ospital na aniya ang nagsara ng kanilang COVID wards at hindi na tumatanggap ng COVID patients dahil sa pagkakasakit ng medical workers na may direktang contact sa mga pasyente.

“The most worrisome problem is the healthcare workers getting sick, Mr. President, and we really need to augment and help them and really assist our hospitals much as we can,” ani Dizon.

Bagama’t bumababa na aniya ang level ng kontaminasyon sa COVID-19, sinabi ni Dizon sa Pangulo na hindi pa rin ligtas ang bansa sa virus dahil napupuno pa rin ang mga ospital ng mga pasyenteng may COVID-19.

“We have to understand as the numbers show, we are not out of the woods sa Delta variant, cases are still very high and our hospitals are still overburdened,” dagdag ni Dizon.

Sinimulan na nina Dizon at vaccine czar Carlito Galvez ang pagbisita sa mga ospital para tingnan ang sitwasyon ng mga nagkakasakit na health worker.

Kumilos na rin ang Department of National Defense para ipahiram ang kanilang nurses at ibang medical workers sa mga pribadong ospital na kinakapos na ng staff dahil sa COVID-19.

The post TF kontra COVID problemado sa mga nagkakasakit na health worker first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/tf-kontra-covid-problemado-sa-mga-nagkakasakit-na-health-worker/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=tf-kontra-covid-problemado-sa-mga-nagkakasakit-na-health-worker)