Nakahakot ng suporta ang tandem nina Senador Panfilo Lacson at Senate President Tito Sotto sa Tagum City, Davao del Norte.
Ibinahagi ng anak ni Ping na si Pampi Lacson kung gaano ka-puno ang pinagdausan ng pagtitipon sa nasabing siyudad kung saan nangako ng suporta ang mga taga-Tagum sa naturang tandem.
Suot ang puting mga t-shirt, nagtipon ang mga taga-Tagum para ihayag ang suporta nila sa unang tandem na nagpahayag ng kandidatura sa 2022 elections.
“Daghang salmat Tagum City!” saad sa caption ni Pampi.
Ipinost din ni Sotto sa kanyang Instagram account ang isang maikling video upang ipakita ang pagsuporta sa kanila ng mga lokal na opisyal sa lungod.
“Almost all gov’t officials of Davao del Norte! Daghang Salamat!” saad sa caption ng Senate president.
Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/tingnan-lacson-sotto-tandem-dinumog-sa-tagum-city3/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=tingnan-lacson-sotto-tandem-dinumog-sa-tagum-city3)
0 Mga Komento