Muling nagbalik si Atlanta Hawks guard Trae Young sa Madison Square Garden noong Biyernes (Sabado sa Pilipinas) hindi para paglaruan ang New York Knicks, kundi para umeksena sa WWE ‘SmackDown.’

Si Young ang special guest ng ‘SmackDown’ kung saan umeksena ang Hawks guard sa gitna ng 10-man tag-team match.

Bagamat nasa ringside lang, umepal si Young nang ipitin nito ang leeg ni Rey Mysterio sa lubid.

Kaya naman, pinalabas ang Atlanta guard sa arena.

Sa pangyayari, nakaganti ang mga taga-New York na pinaiyak ni Young sa first round ng 2021 NBA playoffs.

The post Trae Young umepal sa ‘SmackDown’ first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/trae-young-umepal-sa-smackdown/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=trae-young-umepal-sa-smackdown)