Noong 2016 pa umano sangkot sa korapsyon sa gobyerno ang tinatawag ni dating senador Antonio Trillanes IV na ‘Davao mafia.’

Sa kanyang social media post ngayong Sabado, inilahad ng dating senador ang mga isyu ng katiwalian na kinasasangkutan umano ng Davao mafia.

“The Davao mafia has been in power since 2016. Hindi sila ngayon lang nangungurakot…Customs smuggling/drugs, BuCor GCTA, NFA, infra, BI pastillas, POGOs, AFP Modernization, PCSO STL, e-Sabong, 3rd Telco, business extortions, PhilHealth, COVID response…” ani Trillanes.

Bagamat walang binanggit na pangalan, si Pangulong Rodrigo Duterte ay kilalang taga-Davao City habang ang ilan namang miyembro ng Gabinete ay mga may dati ng kaugnayan sa pangulo.

The post Trillanes: ‘Davao mafia’ corrupt mula 2016 first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/trillanes-davao-mafia-corrupt-mula-2016/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=trillanes-davao-mafia-corrupt-mula-2016)