Nagbabala si dating senador Antonio Trillanes IV kay Vice President Leni Robredo at 1Sambayan coalition laban sa pakikipag-alyansa sa mga presidentiable na sina Manila Mayor Isko Moreno at Senador Manny Pacquiao.

Ani Trillanes, hindi ito susuportahan ng kanilang Magdalo Group.

“Yes kakampi niya kami dito sa pinag-usapan na track dun sa parameters, pero pag umilalim ka kay Mayor Isko, or kay Senator Pacquiao, dealbreakers ‘yun,” pahayag ni Trillanes sa panayam sa “The Chiefs”.

“Do not assume na sasama kami hanggang dun. In fact sinabihan na namin sa kanila early on, hindi kami sasama diyan. Hindi ‘yan parte dito sa daan na tinatahak namin,” dagdag niya.

Kaugnay ito sa isang panayam sa radyo kay Robredo kung saan sinabi niyang bukas siya sa pagtakbo muling bise presidente kung mapagsasama nito ang oposisyon o mga kalaban ng mga kandidato ng administrasyon.

Saad naman ni Trillanes, kung tatakbong presidente si Robredo ay sa Senate race ang bagsak niya.

Pero kung hindi tatakbo sa pagka-pangulo si VP Leni ay presidency ang tatargetin ni Trillanes.

The post Trillanes nagbabala kay Robredo vs pagsanib kina Isko, Pacquiao first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/trillanes-nagbabala-kay-robredo-vs-pagsanib-kina-isko-pacquiao/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=trillanes-nagbabala-kay-robredo-vs-pagsanib-kina-isko-pacquiao)