“Hindi po natin hahayaang matalo ang tunay na oposisyon nang hindi man lang lumaban.”
Ito ang inihayag ni dating senador Antonio Trillanes IV matapos sabihing siya ang tatakbo sa pagka-pangulo kung hindi pa rin makakapagdesisyon si Vice President Leni Robredo sa Oktubre 8, ang huling araw ng paghahain ng certificate of candidacy para sa 2022 elections.
Sa kanyang Facebook post sinabi ni Trillanes na tuloy ang pagtutulak nila para sa pagtakbo ni Robredo.
“Tuloy ang pagtulak natin kay VP Leni to run for President. Kung tumuloy sya, ipanalo natin sya,” saad ni Trillanes.
“Pero kung ‘di pa rin sya makapagdesisyon by 12nn of October 8, tuloy na po ako ng pagka-presidente,” dagdag niya.
The post Trillanes tuloy sa pagka-presidente kung ‘di tatakbo si Leni first appeared on Abante TNT Breaking News.Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/trillanes-tuloy-sa-pagka-presidente-kung-di-tatakbo-si-leni/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=trillanes-tuloy-sa-pagka-presidente-kung-di-tatakbo-si-leni)
0 Mga Komento