Tinawag ni dating senador Antonio Trillanes IV na recipe para sa pagkatalo ng oposisyon sa 2022 elections ang pagpipilit ni Vice President Leni Robredo na pagsamahin ang mga makakalaban ng mga kandidato ng administrasyon.

“Dun sa scenario na head-to-head, mas malaki ‘yung lamang. That’s what I’m saying. So sabi ko, they knew the surveys na ‘pag naglalagay na one-to-one, head to head, mas malaki ‘yung lamang, mas insurmountable.

“So ngayon, sabi ko you have the data in front of you tapos ngayon you still keep on pushing for that scenario to happen, talagang… that’s recipe for defeat in 2022,” saad ni Trillanes sa panayam sa “The Chiefs”.

Pinalagan din ni Trillanes ang pagiging bukas ni Robredo na maging bise presidente uli kung ito ang paraan para mapag-isa ang oposisyon.

“Kung sasabihin naman ni VP Leni kung magba-vice siya kay Manny Pacquiao para mag-unite. Teka muna, where is change there? Asan ang bayan dun? Papaano mananalo ‘yung bayan dun?” ani Trillanes.

“‘Di rin katanggap-tanggap sa amin. So kumbaga, we have to call these things out, kasi sabi ko nga ‘di lang si VP Leni ang nagmamay-ari ng oposisyon,” dagdag niya.

The post Trillanes: Unity ticket ng oposisyon ‘recipe for defeat’ first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/trillanes-unity-ticket-ng-oposisyon-recipe-for-defeat/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=trillanes-unity-ticket-ng-oposisyon-recipe-for-defeat)