Halos dalawang milyong katao taun-taon ang namamatay sa mga sakit at injury na may kaugnayan sa trabaho, ayon sa United Nations (UN).

Karamihan umano ay dahil sa mahabang oras ng pagtatrabaho.

Nagbabala pa ang UN na malamang na magpalala pa sa sitwasyon ang pandemya.

Sabi pa sa report, nasa 1.9 milyong namatay worldwide noong 2016 ay work-related, na tumaas mula sa 1.7 milyon sa simula ng bagong siglo at hindi umano nabibigyang-pansin.

Ani World Health Organization chief Tedros Adhanom Ghebreyesus, lumabas sa pag-aaral na ang 19 kadahilanan sa peligro sa trabaho ay kinabibilangan ng pagkalantad sa mga carcinogen tulad ng asbestos; ergonomic factor gaya ng matagal na pag-upo at manu-manong paghawak ng mga karga.

Pinakamalaking sanhi ng kamatayan ay chronic obstructive pulmonary disease, kung saan 415,000 katao ang namatay; sumunod ang strokes (400,000) at ischaemic heart disease (350,000).

Samantala, lumobo naman ng 41% ang death rate sa sakit sa puso dahil sa mahabang oras ng pagtatrabaho.

The post UN: Mahabang oras ng trabaho pumapatay sa 2M katao first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/un-mahabang-oras-ng-trabaho-pumapatay-sa-2m-katao/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=un-mahabang-oras-ng-trabaho-pumapatay-sa-2m-katao)