May banat si Vice Ganda sa mga mahilig mag-post ng Bible quote sa social media pero sumusuporta naman daw sa mga magnanakaw o korap na politiko.

Sa Madlang Pi-Poll segment ng “It’s Showtime”, napili ng co-host niyang si Teddy Corpuz na sagot sa poll question sa mga uri ng kapitbahay na ayaw niya ang “impokritong relihiyoso”.

Binanggit ni Corpuz ang nabasa niya sa Facebook na mabuti pang maging mabait kesa iyong mga nagpo-post ng Bible quote.

Sumang-ayon dito si Vice at sinabing, “Di ba may mga ganoon nga na post ka nang post ng mga Bible quote sa social media pero sumusuporta ka naman sa magnanakaw.”

Walang binanggit na pangalan si Vice kung sino ang pinatatamaan niyang supporter ng magnanakaw pero ilang netizen ang naghinalang si Toni Gonzaga ito na kamakailan ay binatikos sa interview kay dating senadong Bongbong Marcos.

The post Vice bumanat sa mga ipokritong mahilig mag-post ng Bible quote first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/vice-bumanat-sa-mga-ipokritong-mahilig-mag-post-ng-bible-quote/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=vice-bumanat-sa-mga-ipokritong-mahilig-mag-post-ng-bible-quote)