Nanawagan ang Gabriela Women’s Party sa mga netizen na itigil ang victim-blaming sa kaso ng contemporary artist na si Bree Jonson na natagpuang walang malay sa loob ng banyo ng isang resort sa La Union.

“We also appeal to some netizens to stop victim-blaming, which only reinforces the misogynist projections of women in our society,” sabi ng Gabriela sa isang pahayag.

Kinakailangan umano ng masusing imbestigasyon sa kaso lalo at sangkot dito ang miyembro ng makapangyarihang pamilya Ongpin.

“A thorough investigation on her death must be done to rule out suspicions of foul play and whitewash, especially as a member of the powerful Ongpin family was with the artist during her death,” sabi pa ng Gabriela.

Nakiramay ang Gabriela sa pamilya at mga kaibigan ni Jonson at masusi umano nilang babantayan ang kaso.

Si Jonson ay natagpuan umanong walang malay ni Julian Ongpin sa banyo ng kuwarto na kanilang tinutuluyan sa isang resort sa La Union.

The post Victim-blaming sa Bree Jonson case itigil— Gabriela first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/victim-blaming-sa-bree-jonson-case-itigil-gabriela/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=victim-blaming-sa-bree-jonson-case-itigil-gabriela)