Pinalawig pa ng Commission on Elections (Comelec) ang voter’s registration mula Oktubre 9 hanggang 31.

Inanunsyo ito ni Comelec Chairman Sheriff Abas sa isang panayam.

“We will discuss the details, but ang initial na plano (the initial plan) is we will conduct this after the filing, so after October 8, that’s when we will start again the registration for the registration up to the end of October,” ani Abas.

Dagdag pa niya, wala munang voter registration mula Oktubre 1 hanggang 8 para maasikaso ng ahensya ang certificate of candidacies.

“Yes, ganoon nga po, (That’s the case) because we are very busy accepting the various certificates of candidacies of various candidates all over the country.”

Ang desisyon ay matapos manawagan ng iba’t ibang organisasyon at mga mambabatas na palawigin pa ang registration dahil sa ilan nitong suspensyon buhat ng pandemya. (VA)

The post Voter’s registration extended hanggang katapusan ng Oktubre – Comelec first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/voters-registration-extended-hanggang-katapusan-ng-oktubre-comelec/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=voters-registration-extended-hanggang-katapusan-ng-oktubre-comelec)