Wala ng mga checkpoint ang ipupuwesto kapag itinaas na sa Alert Level 4 ang Metro Manila sa Huwebes ayon kay Philippine National Police (PNP) chief Police General Guillermo Eleazar.

“Wala na tayong checkpoint sa operation dahil narinig naman natin ng uniform naman itong Level 4,” wika niya ngayong Miyerkoles sa panayam ng Unang Balita.

Aniya, mas bibigyang-pansin kasi ng kapulisan ngayon ang mga lugar na isasailalim sa granular lockdown.

Nito lamang Martes nang ianunsyo ni Interior Secretary Eduardo Año na iiral ang natruang alert level sa NCR pagpasok ng Hubwebes, Setyembre 16.

Sa Alert Level 4, maaaring magbukas ang mga alfresco dine-in (30% capacity); indoor dine-in (10% capacity na siyang para lang sa mga fully vaccinated customers); barberya at salon (30% capacity para sa outdoor at 10% capacity naman sa indoor na siyang para lang sa fully vaccinated customers); at religious gatherings (30% capacity sa outdoor at 10% capacity naman sa indoor na siyang para lang sa mga fully vaccinated na dadalo).

BASAHIN: Alert Level 4 lalarga sa NCR sa Huwebes

The post Wala ng checkpoints sa NCR sa ilalim ng Alert Level 4 – PNP first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/wala-ng-checkpoints-sa-ncr-sa-ilalim-ng-alert-level-4-pnp/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=wala-ng-checkpoints-sa-ncr-sa-ilalim-ng-alert-level-4-pnp)