Tila hindi tinatablan ng pagtanda si Patrick Garcia.

Sino kasing mag-aakalang 40 anyos na pala siya sa mala-anghel niyang mukha na mistulang 24 anyos lamang.

Nito lamang Martes nang ipinagdiwang niya ang kanyang 40th birtday.

Binati naman siya ng kanyang misis na si Nikka sa Instagram.

Tinawag naman ni misis si Patrick bilang kanyang: “Best decision I have ever made.”

“You are everything I have prayed for and so much more,” sambit niya.

“[I] honor, respect, and love you with all of me! I thank the Lord for your life! I know He loves me because He gave me you! Happy birthday, my Patrick!” dagdag pa niya.

Taong 2015 nang ikinasal ang dalawa.

Kasalukuyan silang may apat na anak na sina Enrique Pablo, Chelsea, Patrice, at Francisca Pia.

Bukod kay Nikka, dyunakis din ang aktor sa dati niyang nobya na si Jennylyn Mercado.

The post Walang kupas! Patrick Garcia ’immortal’ first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/walang-kupas-patrick-garcia-immortal/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=walang-kupas-patrick-garcia-immortal)