Nabalot ng pagtataka ang mahigit dalawang milyong Instagram followers ni Yen Santos matapos nitong burahin lahat ng post sa naturang account.

Mapapansin ding wala ng finafollow ang aktres.

Hindi pa naman malinaw kung binura, o naka-hide lamang ang mga post ni Yen.

Matatandaang nadamay si Yen sa hiwalayan nina Paolo Contis at LJ Reyes matapos siyang maispatan kasama ang aktor sa Baguio.

Ngunit nilinaw ni Paolo na walang kinalaman si Yen sa hiwalayan nila ni LJ at nagpunta umano si Yen sa Baguio ‘as a friend.’

Nagtambal sina Yen at Paolo sa pelikulang ‘A Faraway Land.’ (MJD)

https://instagram.com/ysantos?utm_medium=copy_link

The post Yen Santos sinimot IG account first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/yen-santos-sinimot-ig-account/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=yen-santos-sinimot-ig-account)