Sa ika- 49 anibersaryo ng deklarasyon ng Martial law, hiniling ni House Deputy Minority Leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate sa liderato ng Kamara de Representantes na aprubahan ang House Bill 7678.
Ang HB 7678 ay naglalayon na kilalanin at mabayaran ang iba pang biktima ng human rights violation noong Marcos administration na hindi nabigyan ng kompensasyon sa ilalim ng Human Rights Victims Reparation and Recognition Act of 2013 (Republic Act 10368).
Ayon kay Zarate, nasa 60,000 ang naghain ng claim sa Human Rights Victims Claims Board (HRVCB) pero nasa 6,000 lamang ang inaprubahan nito.
“Thus about 50,000 of those who filed claims but were denied were not able to file their appeals before the HRVCB closed its office for various reasons,” sabi ni Zarate.
Paliwanag ni Zarate, marami sa mga claimant ang hindi kaagad nakapaghain ng apela dahil sa postal delivery issue gaya ng pag-iba ng address. Ang iba naman ay nalaman ang pagbasura sa kanilang claim ng pumunta sa CHR.
“It is high time that justice and compensation should be given to the victims of the Marcos dictatorship because they have suffered enough and should not be subjected to another injustice,” dagdag pa ng solon.
Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/zarate-hinirit-kompensasyon-ng-martial-law-victims/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=zarate-hinirit-kompensasyon-ng-martial-law-victims)
0 Mga Komento