Umakyat sa 105 ang bilang ng mga lugar sa Metro Manila na nasa ilalim ng granular lockdown, batay sa huling tala ng PNP ngayong Huwebes.

Nadagdagan ito mula sa 98 na huling iniulat ng pulisya.

Samantala, ang 105 lugar na nasa granular lockdown sa kasalukuyan ay matatagpuan sa 58 barangay sa NCR.

Ang mga ito ay binubuo ng 57 bahay, 28 residential building, 12 subdivision at anim na palapag ng residential building.

Nakatalaga naman ang 322 personnel ng PNP at 251 force multiplier upang magbantay sa mga naturang lugar at umalalay sa mga residente.

Ang NCR ay kasalukuyang nasa ilalim ng Alert Level 3. (mjd)

The post 105 lugar sa NCR kandado first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/105-lugar-sa-ncr-kandado/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=105-lugar-sa-ncr-kandado)