Nakapagtala ang Department of Health ng karagdagang 10,748 bagong COVID cases sa Pilipinas.

Dahil dito, sumipa na sa 2,604,040 ang kabuuang bilang ng mga indibidwal na nasapol ng COVID sa bansa.

Anang ahensya, 106,160, na ang aktibong COVID case sa bansa kung saan 82.7% dito ay mild, 8.3% ang symptomatic, 2.7% ang severe, at 1.2% ang nasa malubhang kalagayan.

Samantala, umakyat din sa 2,459,052 ang mga gumaling mula sa virus mtapos madagdagan ng 16,523 bagong nakarekober.

Tumaas din ang death toll rate sa 38,828 matapos madagdagan ng 61 bagong nasawi. (VA)

The post 10K Pinoy sapol ng COVID; aktibong kaso sa bansa sumirit sa 2.6M first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/10k-pinoy-sapol-ng-covid-aktibong-kaso-sa-bansa-sumirit-sa-2-6m/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=10k-pinoy-sapol-ng-covid-aktibong-kaso-sa-bansa-sumirit-sa-2-6m)