Umakyat pa sa 40,594 kawani ng Philippine National Police (PNP) ang naitalang dumaig sa COVID-19.

Ito ay matapos maitala ang 115 pulis na bagong gumaling ngayong Biyernes.

Samantala, nadagdagan naman ng 87 ang bagong tinamaan ng virus.

Ayon sa datos ng PNP Health Service, sumipa pa sa 41,531 pulis ang tinamaan ng COVID.

Nanigas naman sa 123 ang death toll rate ng ahensya.

Sa ngayon, 814 na lang ang active COVID cases ng ahensya. (VA)

The post 115 parak tinalo COVID, 87 bagong nasapol first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/115-parak-tinalo-covid-87-bagong-nasapol/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=115-parak-tinalo-covid-87-bagong-nasapol)