Umakyat na sa 2,654,450 ang kabuang bilang ng mga nasapol ng COVID-19 sa bansa batay sa datos ng Department of Health (DOH) nitong Sabado.

Ito ay matapos maitala ang 11,010 bagong kaso kahapon.

Batay sa ahensya, bumaba naman sa 106,558 ang total active COVID cases sa bansa na 118,203 noong Biyernes.

Sa 106,558 aktibong kaso, 76.3% dito ang mild, 13.9% ang asymptomatic, 5.64% ang moderate, 2.9% ang severe, at 1.2% ang nasa malubhang kalagayan.

Samantala, umkayat namans sa 2,508,387 ang bilang ng mga nakarekober mula sa naturang sakit matapos madagdagan ng 22,529 bagong gumaling.

Kasalukuyang nasa 39,505 na ang COVID death toll rate ng bansa matapos madagdagan ng 273 bagong kaso ng nasawi. (VA)

The post 11K Pinoy nahawa ng COVID; aktibong kaso akyat sa 106K first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/11k-pinoy-nahawa-ng-covid-aktibong-kaso-akyat-sa-106k/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=11k-pinoy-nahawa-ng-covid-aktibong-kaso-akyat-sa-106k)