Naitala ng Department of Health nitong Sabado ang 14,786 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Dahil dito, sumipa na sa 144,061 ang active cases ng COVID sa Pinas kung saan 80.3% dito ay mild, 13.4% ay asymptomatic, 1.9% ay severe, at 0.8% ang nasa malubhang kalagayan.

Samantala, umakyat naman sa 2,397,456 amg total recoveries matapos madagdagan ng 894 bagong gumaling.

Naitala rin ng DOH ang 164 bagong nasawi dahilan para umakyat sa 38,656 ang death toll rate ng bansa sa COVID.

Batay sa datos ng ahensya, kasalukuyang nasa 2,580,173 katao na ang nahawa sa COVID sa COVID sa Pinas. (VA)

The post 14K pang Pinoy sapol ng COVID first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/14k-pang-pinoy-sapol-ng-covid/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=14k-pang-pinoy-sapol-ng-covid)