Target ng gobyerno na mabakunahan ang mula 10 hanggang 15 milyong Pilipino ngayong Oktubre para ganap na mabakunahan ang tinatayang 26 milyong indibiduwal

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na tuloy-tuloy ang pagdating ng supply ng bakuna kaya aasahang mas maraming mga Pilipino ang magkakaroon ng proteksiyon laban sa COVID-19.

Gumaganda na aniya ang vaccination rollout sa maraming rehiyon at mga pangunahing lungsod kaya marami na ang nakatanggap ng una at ikalawang shot ng bakuna.

“The national government aims to administer 10-15 million doses by October and bring the total number of fully vaccinated individuals to about 25-26 million,” anang Pangulo.

Sa National Capital Region ayon sa Presidente ay mahigit pitong milyon na o 72% ng target population ang nakakuha na ng double shot habang 86% naman ang nakakuha na ng unang shot ng COVID vaccine.

Hindi aniya magagawa ito kung hindi sa tulong ng local government units at iba pang stakeholders na nais makabangon at makapagsimula muli para sa ekonomiya at kabuhayan ng mamamayan.

“Thanks to the collaboration of our national government unit, our LGUs as well as other partners and stakeholders,” dagdag ng Pangulo.

Ikinalungkot naman ng Pangulo ang ulat na mayroon pa ring ibang ayaw magpabakuna sa kabila na nananatiling banta ng COVID-19 kahit mayroon nang sapat na supply ng bakuna sa Metro Manila.

“Ewan ko ba kung bakit, may bakuna naman sana magpabakuna na talaga,” wika ng Pangulo.

The post 15M Pinoy target bakunahan ngayong Oktubre first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/15m-pinoy-target-bakunahan-ngayong-oktubre/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=15m-pinoy-target-bakunahan-ngayong-oktubre)