Halos 186 lugar sa National Capital Region ang inilagay sa granular lockdown batay sa datos na inilabas ng Philippine National Police nitong Huwebes.

Bumaba ito sa nakaraang 192 bilang nga mga lugar na isinailalim sa lockdown.

Update ng PNP, ang 186 lugar ay matatagpuan sa 122 barangay sa Metro Manila.

Anang ahensya, 33 dito ay tirahan, 19 ay residential buildings, 15 ay eskenita, at 14 ay mga subdivision.

Kaugnay nito, 687 PNP personnel at 701 force multipliers ang ipinakalat sa mga lugar na isinailalim sa lockdown para sa pagpapatupad ng COVID safety protocols. (VA)

The post 186 lugar sa Metro Manila kinandado first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/186-lugar-sa-metro-manila-kinandado/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=186-lugar-sa-metro-manila-kinandado)