Umakyat pa sa 38,387 kawani ng Philippine National Police (PNP) ang naitalang gumaling mula sa COVID-19.

Ito ay matapos maitala ang karagdagang 188 pulis na bagong nakarekober nitong Lunes.

Samantala, nadagdagan naman ng 109 ang bagong nagpositibo sa virus.

Ayon sa datos ng PNP Health Service, sumipa na sa 40,345 pulis ang tinamaan ng COVID.

Nanigas naman sa 119 ang death toll rate ng ahensya.

Sa ngayon ay may 1,840 pulis na ang nagpapagaling mula sa COVID. (VA)

The post 188 pulis dinaig COVID, 109 bagong nasapol first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/188-pulis-dinaig-covid-109-bagong-nasapol/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=188-pulis-dinaig-covid-109-bagong-nasapol)