Posibleng bababa pa ng hanggang isang libo ang kaso ng mga tatamaan ng COVID-19 sa National Capital Region sa Nobyembre kung mas mapaigting ang ginagawang pagbakuna, pagtukoy at pag-isolate sa mga tinamaan ng virus.
Ito ang inihayag sa Laging Handa press briefing ni Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa harap ng patuloy na pagbaba ng COVID cases sa Metro Manila.
Sinabi ni Vergeire na batay sa ginawang pagtataya ng FASSTER, magiging 1,126 na lamang ang kaso kung mas papaspasan pa ng mga local government unit ang pagbabakuna at pagtunton sa mga nakahalubilo ng mga COVID positive.
“Meron tayong bagong projections na ginawa ng FASSTER tool natin. As of October 4, meron tayong projections until November 15 at ipinapakita po dito na diro sa NCR we will just have about 1,126 cases kung ating maipagpatuloy na ma-improve ang ating vaccination coverage at saka mapapanatili yung detection to isolation ng apat na araw,” ani Vergeire.
Pero kung mas higit pa ang pagganda ng sitwasyon sa loob ng apat na araw sa ginagawang detection at isolation, sinabi ng opisyal na mas bababa pa ang bilang kaysa sa naunang projection.
Malaking factor aniya ang mataas ng bilang ng mga nabakunahan na sa Metro Manila kaya bumagal ang panganganak ng kontaminasyon ng virus.
“Kung mas mag-iimprove pa rin diyan sa four days na yan ang detection at isolation, and mas mag-improve pa ang vaccination coverage, mas bababa pa dito sa numerong ito ang ating mga kaso by November 15,” dagdag ni Vergeire.
The post 1K COVID case kada araw sa NCR posible sa Nobyembre first appeared on Abante TNT Breaking News.Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/1k-covid-case-kada-araw-sa-ncr-posible-sa-nobyembre/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=1k-covid-case-kada-araw-sa-ncr-posible-sa-nobyembre)
0 Mga Komento