Dalawang low pressure area (LPA) na nasa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Ayon sa PAGASA, isa sa LPA ay namataan sa southeast ng Tacloban City, Leyte at nakadikit sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ) na nagpapaulan sa Palawan, Visayas at Mindanao.
Samantala, nakita naman ang isa pang LPA sa west southwest ng Dipolog City, Zamboanga del Norte.
Sabi ni PAGASA weather specialist Grace Castañeda, magdudulot ng kalat-kalat na pag-ulan sa buong bahagi ng Visayas, Zamboanga Peninsula, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao at Palawan ang dalawang LPA.
Magiging maulap na may tsansa ng ulan dulot ng ITCZ at localized thunderstorms ang Metro Manila.
Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/2-lpa-nasa-loob-ng-par/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=2-lpa-nasa-loob-ng-par)
0 Mga Komento