Sa gitna ng kalasingan ay napag-isipan ng dalawang magkaibigan sa UK na magpunta sa isang public pool kahit madaling araw na. Ngunit napalitan ng disgrasya ang kasiyahan nang subukan nila ang padulasan na sarado pala ang dulo.

Bali-baling mga binti ang tinamo ng magkaibigang sina Gran Claire Vickers, 46, at Barry Douglas, 44, nang magpadulas sa slide ng swimming pool na sarado pala.

Ayon sa ulat ng The Sun, nagiinuman ang dalawa at napagisipan na magpunta sa public pool nang alas-2:00 a.m. ng madaling araw.

Kahit sarado ang pool, hindi nagpatinag ang dalawa at nagober da bakod pa.

Disgrasya ang kanilang inabot nang subukan nila ang padulasan.

Inabot din ng ilang oras bago sila natagpuan ng mga pulis.

“I couldn’t think straight as the pain was excruciating. It was like a scene out of a horror film,” wika ni Claire.

Sa kabutihang-palad, hindi na sila sinampahan ng kaso sa panghihimasok sa swimming pool ngunit nadala naman daw sila sa kanilang sinapit.

The post 2 magtropa bali binti sa slide ng swimming pool first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/2-magtropa-bali-binti-sa-slide-ng-swimming-pool/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=2-magtropa-bali-binti-sa-slide-ng-swimming-pool)