Nagdulot ng landslide sa La Trinidad, Benguet ang hagupit ng bagyong ‘Maring’ kung saan tatlong bata ang natabunan ng lupa sa loob ng kanilang tahanan nitong Lunes.

Ayon sa ulat, ang mga bata ay edad 2, 6, at 8 at pawang mga magkakapatid at residente ng Barangay Ambiong sa nasabing bayan.

Sinabi ni Mayor Romeo Salda na tinangka pa umanong dalhin sa pagamutan ang mga bata ngunit ‘di na rin umabot nang buhay.

Samantala, ang mga magulang ng mga bata ay nailigtas.

Apektado ang Benguet at iba pang lalawigan sa hilagang Luzon ng bagsik ni Maring. (mjd)

The post 3 bagets patay sa landslide first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/3-bagets-patay-sa-landslide/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=3-bagets-patay-sa-landslide)