Tatlong party-list aspirants ang naghain ng kanilang certificate of candidacy (COC) at certificate of nomination and acceptance (CONA) sa ikalawang araw ng COC filing para sa 2022 elections.

Ayon sa Commission of Elections, ang unang nag-file ay ang APEC Partylist na sinundan ng PhilRECA at Recoboda partylists.

Nagsimula ang paghahain ng kandidatura nitong Oktubre 1, kung saan 18 partylist aspirant ang opisyal na nag-file ng kanilang CONA.

Magpapatuloy ang paghahain ng COC at CONA hanggang Oktubre 8.

The post 3 party-list group unang naghain ng kandidatura first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/3-party-list-group-unang-naghain-ng-kandidatura/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=3-party-list-group-unang-naghain-ng-kandidatura)