Inihayag ng Professional Regulation Commission (PRC) nitong Huwebes na 305 sa 528 examinees ang nakapasa sa 2021 nutritionist dietician licensure examination.

Anang PRC, katumbas ito sa 57.77% pasadong takers.

Samantala, hinirang naman ang University of the Philippines – Los BaƱos (UPLB) bilang top performing school kung saan 100% ang naitala nilang passing rate.

Nanguna sa naturang board exams si Chino Kairo Ronquillo Serrano ng Polytechnic University of the Philippines – Manila na siyang nakatamo ng iskor na 90.95%.

Sinundan naman siya nina Gabrielle Maeben Carriedo De Guzman (90.55) ng UPLB at Mark Anthony Nanza Arlante (90.15) ng UP Diliman. (VA)

The post 305 examinees lusot sa nutritionist-dietician boards first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/305-examinees-lusot-sa-nutritionist-dietician-boards/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=305-examinees-lusot-sa-nutritionist-dietician-boards)