Sumampa na sa 40,700 kawani ng Philippine National Police (PNP) ang naitalang gumaling sa COVID-19.

Ito ay matapos maitala ang 35 parak na bagong gumaling ngayong Linggo.

Samantala, nadagdagan din ng 35 ang bagong nagpositibo sa virus.

Ayon sa datos ng PNP Health Service, umakyat na sa 41,615 pulis ang tinamaan ng COVID.

Nanatili naman sa 123 ang death toll rate ng ahensya.

Sa ngayon, 792 na lang ang active COVID cases ng ahensya. (VA)

The post 35 pulis tinalo COVID first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/35-pulis-tinalo-covid/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=35-pulis-tinalo-covid)