Nasa tatlong milyong senior citizen pa umano sa Pilipinas ang hindi pa nabakunahan laban sa COVID-19, ayon sa World Health Organization (WHO).

Ito ang ibinalita ni WHO Philippine representative Dr. Rabindra Abeyasinghe kaugnay ng pag-apruba ng Department of Health (DOH) sa pagbibigay ng ikatlong dose – o booster shot – sa mga health care worker at matatanda.

“We should start [on administering third dose] on those most severely immunocompromised who are those aged over 80, then over 70, then over 60. That is our position now to maximize the benefit of the third dose,” pahayag ni Abeyasinghe.

Ngunit bago pa raw asikasuhin ang third dose ng mga nabakunahang senior, dapat daw tutukan ang mga kabilang sa nasabing age group na hindi pa natuturukan.

“But the priority should still be giving first and second dose to those who are yet able to get a [COVID-19 vaccine] shot, and that is about three million of elderly in the Philippines, unfortunately,” aniya.

Samantala, ang mga balak bigyan ng ikatlong turok ay yaong mga nabakunahan ng Sinovac o Sinopharm na gawa ng China. (mjd)

The post 3M tanders sa Pinas ‘di pa naturukan – WHO first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/3m-tanders-sa-pinas-di-pa-naturukan-who/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=3m-tanders-sa-pinas-di-pa-naturukan-who)