Bumababa na ang bilang ng mga pulis na tinatamaan ng COVID-19.

Ito ay matapos maitala ang 40 parak na bagong nagpositibo sa virus ngayong Lunes.

Ayon sa datos ng PNP Health Service, kasalukuyang pumalo na sa 40,887 pulis ang tinamaan ng COVID.

Samantala, umakyat naman sa 39,474 kawani ng Philippine National Police (PNP) ang naitalang nakarekober mula sa COVID-19 matapos madagdagan ng 103 bagong gumaling.

Nanigas naman sa 121 ang death toll rate ng ahensya.

Dahil dito, bumaba na sa 1,292 pulis ang aktibong kaso ng COVID sa PNP. (VA)

The post 40 parak sapol ng COVID, 103 nakaligtas first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/40-parak-sapol-ng-covid-103-nakaligtas/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=40-parak-sapol-ng-covid-103-nakaligtas)