Dumating na sa bansa nitong Huwebes ng gabi ang 400,000 doses ng Sputnik V COVID-19 vaccine.

Ayon sa ulat ng GMA News, lumapag ang naturang batch ng bakuna sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 pasalado alas-10 ng gabi.

Batay sa report, kasalukuyang 24,298,753 Pinoy na ang fully vaccinated kontra COVID na siyang katumbas ng 31.76% eligible population sa bansa.

Kaugnay nito, nanatiling ang Metro Manila ang nagungunang rehiyon na may pinakamaraming bilang ng bakunadong indibidwal kung saan 80% mga naninirahan dito ay fully vaccinated na. (VA)

The post 400K Sputnik V vaccine dumating sa ‘Pinas first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/400k-sputnik-v-vaccine-dumating-sa-pinas/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=400k-sputnik-v-vaccine-dumating-sa-pinas)