Sumipa pa sa 40,764 kawani ng Philippine National Police (PNP) ang naitalang gumaling sa COVID-19.

Ito ay matapos maitala ang 47 pulis na bagong nakarekober ngayong Lunes.

Samantala, nadagdagan naman ng 32 ang bagong tinamaan ng virus.

Ayon sa datos ng PNP Health Service, umabot na sa 41,464 pulis ang tinamaan ng COVID.

Nanatili naman sa 123 ang death toll rate ng ahensya.

Kasalukuyang 777 na lang ang active COVID cases ng ahensya. (VA)

The post 47 parak dinaig COVID, 32 bagong nasapol first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/47-parak-dinaig-covid-32-bagong-nasapol/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=47-parak-dinaig-covid-32-bagong-nasapol)