Halos 55,000 indibidwal ang naitala ng Philippine National Police (PNP) na lumabag sa quarantine protocols sa Metro Manila simula nang ikasa rito ang Alert Level 3.
Ayon sa ulat ng GMA News, 54,971 ang kabuuang bilang na nalambat ng PNP na mga violators.
Sa kabuuang bilang, 55% ang nakatanggap ng warning, 37% ang pinagpiyansa, at 8% ang pinatawan ng sanction.
Batay sa report, pinakamarami ang lumabag sa ipinatutupad na COVID minimum health standards na siyang may kabuuang bilang na 14,126 violators.
Nito lamang Oktubre 16 nang magsimulang ikasa ang Alert Level 3 sa Metro Manila na siyang magtatapos sa Oktubre 31. (VA)
The post 55K quarantine violators sa NCR nasampolan ng PNP first appeared on Abante TNT Breaking News.Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/55k-quarantine-violators-sa-ncr-nasampolan-ng-pnp/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=55k-quarantine-violators-sa-ncr-nasampolan-ng-pnp)
0 Mga Komento