Umakyat pa sa 40,247 kawani ng Philippine National Police (PNP) ang naitalang nakarekober mula sa COVID-19.

Ito ay matapos maitala ang 58 mga pulis na bagong gumaling ngayong Lunes.

Samantala, nadagdagan naman ng 63 ang bagong nagpositibo sa virus.

Ayon sa datos ng PNP Health Service, umakyat na sa 41,311 pulis ang tinamaan ng COVID.

Nadagdagan naman ng isa pang kaso ng nasawi ang ahensya dahilan para umakyat ang death toll rate nito sa 123.

Sa ngayon, bumaba na sa 941 ang active COVID cases ng ahensya. (VA)

The post 58 pulis tinalo COVID, 47 bagong nasapol first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/58-pulis-tinalo-covid-47-bagong-nasapol/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=58-pulis-tinalo-covid-47-bagong-nasapol)