Naitala ng Department of Health (DOH) nitong Linggo ang 5,279 fresh COVID-19 cases sa bansa.

Dahil dito, umakyat sa 2,756,923 ang kabuaang bilang ng mga indibidwal na nasapol ng virus sa Pinas.

Batay sa datos DOH, kasalukuyang nasa 60,957, ang aktibong kaso ng COVID sa Pinas — 77.5% dito ay mild, 9.20% ay moderate, 6.1% ay asymptomatic, 5.1% ay severe, at 2.1% ang nasa krikial na kondisyon.

Umakyat naman sa2,654,173 ang total recovery rate ng Pinas matapos madagdagan ng 7,312 mga bagong gumaling.

Samantala, kasalukuyang nasas 41,793 na angdeath toll rate ng Pinas. (VA)

The post 5K Pinoy sapul ng COVID; aktibong kaso sisirit na sa 61K first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/5k-pinoy-sapul-ng-covid-aktibong-kaso-sisirit-na-sa-61k/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=5k-pinoy-sapul-ng-covid-aktibong-kaso-sisirit-na-sa-61k)