Binalewala ng 61-anyos na lalaki sa Northern Samar ang sasabihin ng iba nang kanyang ipagpatuloy ang pag-aaral hanggang sa makapagtapos siya ng junior high school kamakailan.

Bida sa ulat ng 24 Oras si Merit Majerano, na huminto sa pag-aaral noong 1976 para magtrabaho sa Metro Manila.

At kahit nagkapamilya at nagtatrabaho bilang magsasaka, naroon pa rin ang pangarap niyang makatapos sa pag-aaral.

Maging mga guro sa kanila ay nagulat sa kanyang pag-enrol.

“Inapproach kami na, “Ma’am magpapa-enroll po ako.’ ‘Ha, ikaw ‘tay? Kaya mo?’ ‘Opo ma’am kaya ko pa po mag module,'” wika ng isa sa kanyang mga guro.

Ayon kay Majerano, marami siyang narinig mula sa iba ngunit ‘di niya ito pinansin.

“Meron nga nagsabi sa akin, ‘Uy matanda ka na nag-aaral ka pa,” he said. “Ok naman ‘yan kahit matanda ako,” aniya.

Sa kanyang pagtatapos ng junior high school, balak niyang tumuloy sa senior high school at kolehiyo. (mjd)

The post 61-anyos nagtapos ng junior high school first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/61-anyos-nagtapos-ng-junior-high-school/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=61-anyos-nagtapos-ng-junior-high-school)