Naitala ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang 67 karagdagang kaso ng mga Pilipino sa ibang bansa na nahawa ng COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 23,384 ang kabuuang bilang ng Pinoy sa abroad na nasapol ng COVID.

Bukod dito, naitala rin ng ahensya ang 8,332 akitbong kaso ng nakamamatay na virus sa mga Pinoy overseas.

Sa datos na inilabas ng DFA, nakasaad na 13,663.1 na ang Pinoy sa ibang bansa nakarekober mula sa virus habang 1,389 naman ang bilang ng mga nasawi. (VA)

The post 67 Pinoy overseas tinamaan ng COVID first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/67-pinoy-overseas-tinamaan-ng-covid-2/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=67-pinoy-overseas-tinamaan-ng-covid-2)