Sa tulong ng in vitro fertilization (IVF), naging first time mommy ang isang 70-anyos na babae sa Gujarat, India.
Ayon sa ulat ng the Sun, si Jivunben Rabari at ang asawang si Maldhari, 75-anyos, ay kasal na ng 45 taon ngunit hindi magawang makabuo ng bata.
At kahit pa imposible na sa kanyang edad ang pagbubuntis, natulungan naman si Jivunben ng makabagong teknolohiya.
“When they first came to us, we told them that they couldn’t have a child at such an old age, but they insisted,” pahayag ng doktor na si Naresh Bhanushali. “They said that many of their family members did it as well.”
Sa proseso ng IVF ay kukuha ng egg cell mula sa obaryo ng babae at i-fefertilize ito sa sperm sa isang laboratoryo.
At kapag naging embryo na ito, ibabalik ito sa sinapupunan ng babae upang lumago at maging sanggol.
Si Jivunben ay nanganak sa isang malusog na baby boy. (mjd)
The post 70-anyos sa India nanganak pa first appeared on Abante TNT Breaking News.Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/70-anyos-sa-india-nanganak-pa/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=70-anyos-sa-india-nanganak-pa)
0 Mga Komento