Sumirit pa sa 40,488 kawani ng Philippine National Police (PNP) ang naitalang dumaig sa COVID-19.
Ito ay matapos maitala ang 70 pulis na bagong gumaling ngayong Huwebes.
Samantala, nadagdagan naman ng 64 ang bagong nahawa sa virus.
Ayon sa datos ng PNP Health Service, umakyat na sa 41,453 pulis ang tinamaan ng COVID.
Nanatili naman sa 123 ang death toll rate ng ahensya.
Sa ngayon, 842 na lang ang active COVID cases ng ahensya. (VA)
The post 70 pulis tinalo COVID, 64 bagong tinamaan first appeared on Abante TNT Breaking News.Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/70-pulis-tinalo-covid-64-bagong-tinamaan/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=70-pulis-tinalo-covid-64-bagong-tinamaan)
0 Mga Komento