Naitala ng Department of Health (DOH) nitong Martes ang bagong 9,055 COVID-19 cases sa bansa.

Dahil dito, tumaas pa sa 2,613,070 ang kabuaang bilang ng mga indibidwal na nasapol ng virus sa Pinas.

Anang ahensya, ang mababang bilang ay dahil sa kulang na mga laboratory output noong Linggo.

Anang DOH, kasalukuyang nasa 103,077, ang aktibong kaso ng COVID sa Pinas — 78.8% dito ay mild, 11.4% ay asymptomatic, 2.9% ay severe, at 1.2% ang nasa krikial na kondisyon.

Umakyat naman sa 2,471,165 ang total recovery rate ng Pinas matapos madagdagan ng 12,134 mga bagong gumaling.

Nanatili naman sa 38,828 ang death toll rate ng Pinas. (VA)

The post 9K Pinoy nagpositibo sa COVID first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/9k-pinoy-nagpositibo-sa-covid/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=9k-pinoy-nagpositibo-sa-covid)