Hindi na nagpakita-ipokrita si AJ Raval at tahasang inamin na nililigawan siya ni Aljur Abrenica.

“Hindi ako magpapakaipokrita. ‘Di na ako magsisinungaling, ‘di na ako magde-deny, kasi mukha lang kaming tanga kapag nag-deny kami. Well, totoo naman na nag-uusap kami,” pag-amin ni AJ sa panayam ng PEP Live.

“Nag-uusap kami. We understand each other. We care for each other. Pero wala pa kami sa point na may relasyon kami. Parang getting to know,” paglilinaw ni AJ.

Dagdag pa ng sexy actress si Aljur ang tinutukoy niyang lalaki sa vlog ni Donnalyn Bartolome na nanliligaw umano sa kanya.

Si Aljur ay hiwalay sa asawang si Kylie Padilla.

Ngunit kamakailan lamang ay sinabi ni Kylie na nag-usap na sila ni Aljur at pumayag na ang bawat isa sa kanila ay pwedeng makipagdate sa iba.

“Guys, there is no issue. We separated April pa and we have already mutually agreed to date other people. Please stop dragging other parties into this,” pahayag ni Kylie sa isang tweet. (mjd)

The post AJ Raval binuking na bet siya ni Aljur first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/aj-raval-binuking-na-bet-siya-ni-aljur/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=aj-raval-binuking-na-bet-siya-ni-aljur)