Sumirit na sa mahigit 63,000 ang naitalang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa ayon sa Department of Health (DOH) nitong Sabado.

Ito ay matapos maitala ang dagdag 5,807 bagong kaso dahilan para umakyat sa 2,751,667. ang total COVID cases sa bansa.

Sa 63,051 active cases, 77.7% dito ay mild, 6.5% ay asymptomatic, 8.89% ay moderate, 4.9% ay severe, at 2.1% naman ang nasa malubhang kondisyon.

Umakyat naman sa 2,647,031 ang bilang ng mga gumaling sa sakit matapos maitala ng 9,578 bagong gumaling na pasyente.

Samantala, 65 naman ang bagong nasawi dahil sa COVID dahilan para tumaas sa 41,585.ang death toll rate ng Pinas sa nakamamaty na virus. (VA)

The post Aktibong kaso ng COVID sa ‘Pinas akyat 63K first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/aktibong-kaso-ng-covid-sa-pinas-akyat-63k/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=aktibong-kaso-ng-covid-sa-pinas-akyat-63k)