Sa loob lamang ng halos 10 minuto ay apat na lindol ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa Albuera, Leyte ngayong Miyerkoles.
Naitala ang unang pagyanig alas-6:11 a.m. ng umaga na may lakas na magnitude 2.1.
Isang minuto lang ang lumipas, naramdaman ang magnitude 4.0 na lindol na may lalim na 002 kilometers.
Ang ikalawang pagyanig ay nagdulot ng Intensity 3 sa mga bayan ng Abuyog, Dulag at Baybay City, Intensity 2 sa Palo at Hilongos at Intensity 1 sa Sogod, Southern Leyte.
Samantala, dakong alas-6:15 a.m. ay inuga ang Albuera ng maginute 3.7 na lindol, habang ang ikaapat at huli ay naitala dakong alas-6:18 a.m. ng umaga na may lakas ng magnitude 2.2.
Wala namang naitala ang Phivolcs na pinsala sa mga ari-arian o istruktura. (mjd)
The post Albuera, Leyte inuga 4 lindol first appeared on Abante TNT Breaking News.Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/albuera-leyte-inuga-4-lindol/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=albuera-leyte-inuga-4-lindol)
0 Mga Komento