Maaaring lumuwag pa ang quarantine status ng Metro Manila ayon sa Department of Health (DOH) nitong Sabado.

Anang ahensya, posibleng ilagay na sa Alert Level ang National Capital Region (NCR) sa Nobyembre sakaling bumbaba pa ang naitatalang daily COVID-19 cases at hospital admissions.

“‘Pag tiningnan natin ang projection ng FASSSTER, nakikita natin patuloy na bababa ang mga kaso, pero meron tayong mga ginagamit na assumptions when we do our projections, tulad ng detection to isolation ‘yan po ay napakalaking bagay. Kapag tiningnan natin ang detection to isolation ngayon, ito po ay nasa four days po,” wika ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang briefing.

“Sana ma-maintain natin lahat so that we can be able to de-escalate to Alert Level 2 come November. Kapag tiningnan natin ang average number of cases natin dito sa Metro Manila ngayon, nasa 967 na ‘yung seven-day moving average,” pagpapatuloy niya.

Kaugnay nito, umaasa ang opisyal na tuloy-tuloy na ang pagabngo ng ekonomiya ng bansa sa susunod na buwan.

“Hopefully by November we can be able to de-escalate and open up our economy.”

Kasalukuyang nasa Alert Level 3 ang NCR na nakatakdang magtapos sa Oktubre 31. (VA)

The post Alert Level 2 sa NCR posible sa Nobymbre – DOH first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/alert-level-2-sa-ncr-posible-sa-nobymbre-doh/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=alert-level-2-sa-ncr-posible-sa-nobymbre-doh)