Dahil sa pagbaba ng COVID cases, hindi malabong ibaba sa Alert Level 3 ang alert level status ng Metro Manila.
Ito ang inihayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Epimaco Densing III sa isang pahayag.
Aniya, bukod kasi sa pagbaba ng COVID cases sa NCR, bumaba na rin ang hospital utilization rates nito.
“May basehan tayo sa pagbababa at ‘yung basehan na ‘yun ay nakikita na doon sa mga criteria o matrix nga na nabanggit mo para magbaba ng alert level,” wika ni Densing.
Samantala, nilinaw namn niya na tanging ang Department of Health lang ang may pinal na pagpapasya sa magiging final alert level ng NCR na kasalukuyang nasa Alert Level 4. (VA)
The post Alert Level 3 sa NCR posible – DILG first appeared on Abante TNT Breaking News.Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/alert-level-3-sa-ncr-posible-dilg/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=alert-level-3-sa-ncr-posible-dilg)
0 Mga Komento